Wikia

Arceo liwayway Wiki

Talambuhay ni Liwayway Arceo

Usapan0
12pages on
this wiki

Si Liwayway A. Arceo ay pangunahing mangangathang Tagalog at Filipino na nakasulat ng 90 nobela, 2 libong mahigit na kuwento, 1 libong mahigit na sanaysay, 36 tomo ng iskrip sa radyo, 7 aklat ng salin, 3 iskrip sa telebisyon, at di-mabilang na kuntil-butil na lathalain sa halos lahat ng pangunahing publikasyong Tagalog o Filipino. Binago ni Arceo ang topograpiya ng panitikang Tagalog, at ng ngayon ay tinatawag na panitikang popular, sa paglalathala ng mga akdang nagtatampok ng halagahan [values], lunggati [vision], at kaisipang Filipino. Ginamit din niyang lunsaran ang pamilya bilang talinghaga ng Filipinas; at sa pamamagitan ng masinop ng paggamit ng wika ay itinaas sa karapat-dapat na pedestal ang mga kathang Tagalog, sa kabila ng pamamayani ng Ingles bilang opisyal na wika ng edukasyon at gobyerno.  Mga pangunahing aklat 

Kabilang sa mga pangunahing aklat ni Arceo ang sumusunod: 

* Maling Pook, Maling Panahon. . .Dito, Ngayon (1998);  * Mga Bathalang Putik (1998)  * Titser (1995)  * Canal de la Reina (1985)  * Ina, Maybahay, Anak at iba pa (1998)  * Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997)  * Mga Maria, Mga Eva (1995)  * Ang Mag-anak na Cruz (1990)  * Mga Piling Katha ni Liwayway A. Arceo (1992)  * Uhaw ang Tigang na Lupa at Iba pang Katha (1968). 

Sumulat din ng biyograpikong nobela si Arceo at kabilang dito ang Ako. . . Si Clara (1990) na hinggil sa buhay ni Santa Clara ng Assissi; Claret, ang Misyonero (1988) na hinggil sa pundador ng Misyong Claretian; at Francisco ng Assissi na hinggil sa buhay ng pundador ng ordeng Fransiskano.  Mga tuluyang nobela 

Ilan sa tuluyang nobelang nalathala ni Arceo sa magasing Liwayway at sinubaybayan ng libo-libong mambabasa ang sumusunod: Tulad sa Bituin (1956); Topo-topo (1956-1957); Sa Abo ng Lumipas (1957); Hanggahan ng Pangarap (1957); Kung Sakali man at Salát (1958); Sa Habang Panahon (1957-1958); Huwad na Dambana (1957-1958); Mga Doktor sa Bukid (1959); Ikaw ay Akin (1962); Kung Saan Ka man Naroroon (1964); Lydia Ansaldo, M.D. (1964); Dalawang Kalbaryo (1964); Tatak ng Pagkakasala (1965); Kulay Rosas ang Pag-ibig (1964-965); Iba-ibang Kulay ng Pag-ibig (1966); Liza (1966); Isa ang Susuko (1966); Ang Panigbugho (1966); Hiram na Laya (1965-1966); Ipakipaglaban Mo Ako (1966-1967); Daigdig na Kristal (1967); Ginto sa Dulo ng Bahaghari (1967-1968); Minsan Lamang ang Gabi (1968); Ikaw ang Ilaw Ko (1968); Bahaghari sa Lupa (1969); Nagbabagang Paraiso (1969-1970); Sa Pinto ng Impiyerno (1970); Bawal na Paraiso (1971); Hanggang sa Kabila ng Langit (1972); Piitang Ginto (1972); Dalawang Daigdig (1973-1974); Saan man at Kailan man (1973); at Krus ang Aking Budhi (1976-1977). 

Ang kakatwa ay malimit mapagkamalang pag-aari ni Arceo ang magasing Liwayway dahil ang pangalan niya ay "Liwayway" din. Bukod pa rito, naging mataas na pamantayan si Arceo bilang manunulat at editor ng nasabing magasin, na nakatulong nang malaki upang lumaki ang sirkulasyon nito at umabot sa halos kalahating milyong sipi kada linggo. 

Ang iba pang tuluyang nobela na hindi binanggit dito ay nasa aklatan ngayon ng Unibersidad ng Pilipinas at Ateneo de Manila University. Inihabilin ni Arceo ang karamihan sa kaniyang antigong papeles, aklat, at memorabilya doon sa aklatan ng UP noong 28 Agosto 1993 at sa Ateneo Library of Women's Writing (ALIWW) noong 28 Nobyembre 1994. Ang iba pa niyang natitirang aklat at memorabilya ay nasa dating tahanan niya sa Project 6, Lungsod Quezon, at nakahanda para sa Liwayway A. Arceo Foundation na itinatag ng kaniyang anak na abogadong si Florante.  Mga nobeleta 

Sumulat din ng maiikling nobela si Arceo at ilan dito ang kumita nang malaki, gaya ng Hanggang sa Kabila ng Langit (1991); Paano Kita Iiwan (1993); Ang Sabi ni Vic (1993); Si Dina, Si Rosauro, Si Demetria (1993); Laro ng Tadhana (1993); Buhayin Mo Po ang Anak Ko (1993); Isang Ina. . . Isang Anak (1993); Kahit Ikaw ang Huling Lalaki (1993); Gabing Payapa, Gabing Tahimik (1993); Huwad na Paraiso (1993). 

Ang paglaganap ng nobeletang Filipino ang nagpagiba sa dati noong moog ng komiks. Itinaas ng gaya ng mga akda ni Arceo ang kalidad ng mga kuwento at nobelang pangkomiks, at hinatak ang mambabasa na magtuon sa bagong libangan: libro.  Dulang panradyo at pantelebisyon 

Si Arceo ang kauna-unahang manunulat na Filipino na sumulat ng soap opera sa radyo. Ang kaniyang dulang Ilaw ng Tahanan na isinahimpapawid ng DZRH, DZMB, at DZPI ay nagsimula noong Marso 1949 at nagwakas lamang noong Hulyo 1958. Tinipon ni Arceo ang lahat ng kaniyang orihinal na iskrip, kasama ang mga notasyon, at nakabuo ng 36 tomo na halos sumalamin sa isang mahabang panahon ng pamilya at lipunang Filipino. Nagkaroon din ng adaptasyon ang nasabing dula, at ito ay isinalin sa iskrip na pantelebisyon. Ipinalabas ang Ilaw ng Tahanan sa telebisyon noong 1978. 

Lingid sa kaalaman ng nakararami, si Arceo ang manunulat sa likod ni Tiya Dely Magpayo. Ang mga iskrip na binabasa ni Tiya Dely sa kaniyang programang Ang Tangi Kong Pag-ibig na isi

Create by-John Vince Dailisan Bañas

Thank you!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Around Wikia's network

Random Wiki